CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Thursday, November 20, 2008

kung tagalog lang ang MATH. . .


Sa lahat ng subject sa school ang pinaka-nosebleed ay ang Math. Ang lahat ng sang-ayon sa akin sumigaw ng AAHHOO! AAHHOO! AAHHOO! Kahit pina-uso na ni Inday ang mga nosebleed words na sagad hangang alapa-ap ang sobrang taas na nagpadugo sa ating mga ilong, wala paring tatalo sa litro-litro at galon-galon na dugo na umagos sa ating ilong, gilagid at pati mata basta Math ang pinag-usapan.

Sobrang talaga por eksampol: “The function of y is equal to the value of the function of x where x is equal to x squared plus 5 and has an inverse relation y equal to f raised to the power of -1, which is equal to the square root of x minus 5.” Oh Lord, help me!!! Pati kili-kili ko nagbe-bleed. Ngumingilo pati patay na kuko ko sa paa.

Sa ganoong kadahilanan naiisip ko, “Paano kaya kung i-tagalog ang Math?” Wala lang, naiisip lang ng coconut-milking brains ko. Mabawasan kaya ang nosebleed level? Kasi nga mas madali na nating maintindihan kasi awr beri on langweds na ang medyum of instrakyon. Teka lang, bakit nga ba medium of instruction ang tawag dun, hindi ba pwedeng large of instruction para mas malaki? Bak tu da isyu, paano kaya kung tagalong ang math?

Por eksampol namber wan:English: The square root of x squared is x.

Tagalog: Ang parisukat ugat ng ekis sa kapangyarihan ng dalawa ay ekis.

Eksampol namber tu:

English: Find the roots of four x to the sixth power minus three x squared plus three.

Tagalog: Hanapin ang ugat ng apat na ekis sa ika-anim na kapangyarihan, bawasan ng tatlong ekis na pinarisukat at dagdagan ng tatlo.

JoshGroban Ko Po! Paano ako makaka-survive sa math pag-ganito? Kahit mag-nobena ako kay San Isidro Labrador, San Isidro Doberman at San Isidro Chihuahua patay ang beautylicous beauty ng Ninang nyo. Wag nalang, englisin nalang natin. Sabi ko nga ‘wag nalang akong mag-iisip eh, napapasama pa eh.

0 comments: