Walang katapusang siksikan, at unahan sa upuan. Pabilisan sa pila at unahan sa dulo ng dyip. Yan ang pinaglalabanan ng isang daily commuter para lang makapasok sa iskwela o kaya trabaho.
Nakakapagod kung iisipin pero, wala eh…tipid na baka sakaling may makilala ka pa!
COMMUTER FACTS MRT EDITION:
Sa isang MRT Cart may 1 or 2 na naka Chuck Taylor.
Sa 20 na tao 10 ang naka balat
Sa 20 na tao 8 ang naka-bag
Sa 20 na tao 8 ang naka-polo
Sa 20 na tao yung iba dun walang auto!
FACT 1: Yung pinto ng MRT para ding elevator pwedeng harangin ng kamay para bumukas LAHAT ng pinto at makapasok ka.
FACT 2: Impakto ka pag pumasok ka sa MRT na pawisin dahil sure ball pag-uusapan ka ng mga tao with matching kamot sa ilong para makaramdam ka ng kahihiyan. (tapat ka sa aircon para matuyo na ‘yan, hayup ka!)
FACT YOU: Please sa mga lalaki during rush hour! H’wag mag-iisip ng kalibugan, dahil ika’y titgasan at baka sa siksikan ay tumusok yan. Baka ikay masampal ng kababaihan o di kaya mapasubo sa mga kabaklaan!
COMMUTER FACTS JEEPNEY EDITION:
FACT 1: Sa 18 na taong nakasakay sa likuran eh 2 ang nasisikipan dahil sila yung kalahating pwet lang ang pumasok sa upuan! (kasi ang totoo eh pang waluhan lang)
FACT 2: Sa 18 taong nakasakay eh 2 din dun ang nakipag-unahan sa dulo (near the labasan) para hindi sila gawing mang-aabot ng barya! (tamad talaga)
FACT 3: Sa 3 taong nakasakay sa harapan yung isa dun, may posibilidad na maputulan ng paa dahil lagi itong nakalabas sa pinto gawa ng kasikipan at pagpupumilit na 3 is not a crowd!
FACT THIS: Ingat po sa salamin sad dyip sa taas o kaya sa harapan ninyo. Dahil sure na sure, dibdib n’yo ang iniispatan dito!
FACT YOU: Sa mga mag-syota na magkatabi sad yip, holding hands is publicly acceptable. Obvious kung ang siko ni lalaki ay sumisimple ng dunggol sa suso. Naku! Pagbaba nyo pag-uusapan kayo. Ang mahirap dun eh kung makababa si lalaki dahil it’s a fact na a little dunggol can make ones junior sumisibol!
COMMUTER FACTS TAXI EDITION:
Sosyal! Di taxi ka na! Baka naman pagbaba mo hindi ka na makahinga! Dahil uso na ang LPG! Sige, testingin ninyo si manong kung anung nakukuha sa LPG baka magulat kayo sa sasabihin niya!
FACT 1: LPG sa taxi started in Brunei 2 or 3 years ago. Knowing its effects through evident research and non-useful human testing. Tinanggal na ito sa Brunei. Dahil lahat ng putang sumasakay ng taxi ay namamatay at nagkakaproblema sa paghinga. Ayun ang mga malilibog na lalaki, nagrereklamo! Dina daw sila maka-dalawa pano hinihingal na ang puta nila!
FACT 2: Pag-feeling ninyo ang bilis ng Metro sabihin mo lang. “Manong, sira ba metro ninyo?” Manong will say “Kapapagawa ko pa lang n’yan” Then mag-aalok siya kung ano yung usual payment mo.
That’s the time na pwede ninyo silang maisahan! (Para makabawi-bawi naman!
FACT 3: Pag-nagmamadali ka at nagpaparamdam ka pa sa taxi driver na tinataas baba pa ninyo ang inyong watch to pekeng see the time, HINDI parin siya magmamadali! (Manhid ang mga ungas) Kailang sinasabi pa talaga!
FACT 4: Always wear your seatbelt, kung sira ang anti-death device ipatong nalang. Dahil 500 to 200 ang bayad ‘dyan!
FACT THIS: H’wag na h’wag pong uutot. Kahit gaano katahimik yan! Alam mo kung sino ang may kasalanan!
FACT YOU: Sa mga malilibog na mag-syota o kakereng-kingan na nakaupo sa likuran! Ang laplapan ninyo o pasimpleng kalabit sa suso ay inaabangan! So please i-motel n’yo na yan!
COMMUTER FACT TRIKE EDITION:
Sa 10 tricycle 7 ay may pinahid na kulangot sa gilid.
Sa 10 tricycle 2 na lang ang may mga old school stickers.
Ex: Basta driver Sweet Lover.
Sa 10 tricycle 4 ang may sticker ng Victoria Court or Weight loss or gain na nakalagay barya pos a umaga.
Sa 10 tricycle 6 ang may panlaban na plastic cover sa ulan.
Sa 10 tricycle 10 driver ang may posibilidad na tinitigasan pag ikaw ay nakapalda at hindi galicious.
Sa 10 tricycle ang mas gustong babae ang nakasakay sa kanila para:
a. ma-stalk sila.
b. makasilip gamit ang mini-mirror nila sa tapat ng hita mo.
c. Para iwas pahid kulangot at dura sa gilid.
d. Para iwas sa hirit na “kulang sukli n’yo!”
FACT 1: Dapat alam mo ang pamasahe dahil pag-buo ang binigay mo, wala nang sukling babalik sa’yo.
FACT 2: Sadyang indented ang upuan ng tricycle para malaglagan ka ng barya pag-nakaupo ka. At pagnawaglit ka, barya mo…kanila na!
FACT THIS: Pag may naka-backride sa likod ng trike driver its either asawa niya yun o putang walang pamasahe!
FACT YOU: Sa mga mag-syota… TANG-INA NAMAN!
Ang ikli nalang ng biyahe ninyo h’wag na kayo maglampungan!
Obvious masyado! Eh yun ngang pasimpleng dukot kulangon sabay pitik halata eh, yun pang dukot sa parteng ‘di nasisinagan ng araw!
COMMUTER FACTS PEDICAB EDITION:
H’wag na… ibang level na ‘to!
0 comments:
Post a Comment